Martes, Mayo 2, 2017

Hayaan mo akong mamuta... (A Womanizer's Poem)

Sa halimuyak mo ako'y wala ng gana..
Mga mata ko'y hindi na nahahalina
Ni ang haplusin ang makinis mo pigi,
O dampian ng halik ang iyong sabik na labi,

Hindi ko na magawa pa...

Lumipas na iyong ganda..
Buhat ng ika'y magbuhat ng bata
Bakit ba tayo'y nagpatali pa,
Sa simbaha'y nagpakasal at nanumpa..

Gayong ako'y makisig at batang-bata pa..

Sabi ng aking kaibigan sa esposo niyang seaman,
"Mahal, umuwi kang walang sakit, h'wag mo akong hahawahan."
Nakakainggit naman nais kong pamarisan
Sapagkat ang kabiyak ko ay lagi ako kung pigilan..

Tali lang ako sa batas, ang ibang babae saki'y walang ligtas..

Alak dito, puta doon; kembot pa dito at indayog
Namumukadkad ang mga hita, mga dibdib na anong kay lalambot..
Oh, magandang puta, itayo mo ang nanamlay na batuta ko
Lasapin ang pagsamyong papagod sa'yo...

Buhay ng aking asawa, sa'yo'y iaalay ko, pasayahin mo lang ako..

Lalaki ako at kagalang-galang sakin ang mamuta
Hindi ko kailangan ang permiso mo o pangungunsensya
Regalo ako ng Maykapal sa mga kababaihan,
Mapalad ka sa akin o misis magpakaylan man...


Iyak mo, Jo sakin ay walang epekto..
Nananawa na ako sa piling mo
Hayaan mo na lang na magpakasaya ako
Dahil pagdating ng umaga, sa'yo pa rin naman ang uwi ko...


(A synthesized poem depicting my husband's drinking and womanizing that drove me into a deep depression. Circa 2011-2012)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento